lundi, mai 31, 2010

Mayo-nice Month

Oh May 31, 2010.
Ang huling araw sa buwan ng Mayo. Grabe,lagi akong nagaatempt magsulat dito pero minsan nauunahan na ako ng katamaran. Marami akong gustong ikwento. Marami. Yun nga lang,di ko alam kung alin2 pa ang ikkwento ko o paano ko pa sisimulan. O sige mga naganap nalang nitong May.
•Nagkaroon ng sunog dito sa may Saarland•






•Mayroong liga ng volleyball dito,at nakikita ko siya•
•Inom at Poker•
•Nung nakaraang Linggo ay nagGalle kami,Victory•
•Friday pumunta akong skul,ang saya! Napasa ko lahat!•
•Sabado night,Vieux Chalet night!•
•Linggo,movie marathon,andito si Aguila,nagV sila di ako sumama•
•Araw2 kong kausap si Agie.:) parang centrum,completes me•

Grabe 2weeks din pala akong di nakapagsulat. Eto ako ngaun nakahiga parin,imbis na kumikilos para dumaang bahay tas diretso sa eskwelahan. Leche kasi ung isa kong Prof e, paimportante. Pero ok lang,konting sagabal lang un. Pwede pa.:)

Ngaung buwan,ang dami kong napanood na palabas: Miss You Like Crazy (Na inihalintulad ko sa pangyayari ng buhay ko,siguro kung magisa kong panonoorin un,kakailanganin ko ng balde. Huhu), Babe I Love You (pinaDL lang sakin ni Gen to pero nagkataong kami nalang ni Ate Joyce ang nakapanood,ang ganda ni Anne!:)),Love Me If You Dare(French movie na gustong gusto kong panoorin! Waw! Ang ganda,kailan ko lang kasi nakita at naDL. Love it! Ang wild nila grabe), Sliding Doors(Nakita ko lang sa isang blog to kaya pinanood ko,gusto ko ung soundtrack nilang Turn Back Time-Aqua), Mean Girls, Nick and Norah, Across the Universe. Wooooaw! Ang gaganda ng mga palabas na to. Weeee!:)

Waaa. Iniisip ko parin kung tatayo ako't kikilos papuntang eskwelahan o ano. Waaa!! Bahala na. Sana sipagin ako. P day dapat ngaun!:)


*totally inlove with a monster* <--heehee adik much!:*

dimanche, mai 16, 2010

Ang inet

May 14, sa may lrt. nakakita ako ng isang pilingerong lalaki. Ayan, nsa picture sa kaliwa. Grabe,di ko mapigilang makapagside comment.. Kala mo napakaMacho kung makapanamit,e ang payat payat naman. HAHA. Sorry na,di ko mapigilang di tumawa e. tsk tsk.. Pero ok lang,siya naman yan e. go!

O sige,ang init na e. Medyo kumukulo narin tiyan ko. Kailangan ng patayin ko na ung init kasi naabot na niya ang boiling temperature. Sige, hanggang sa susunod na pagkikita!

Pangunahin

Eto na ako. Sabi sayo mabilis lang ang paggawa e. Hindi, sa totoo lang di ko na alam susunod kong isusulat doon e.. Kaya ibang pahina naman..

Alam mo ba.. Natatakot ako. Noon kasi kung tatanungin mo ako, 2 lang ang sasabihin ko:
1. Takot akong magisa o iwanan ni Agie.
2. Takot ako sa lumilipad na ipis.

Pero ngaun, sa totoo, napagtanto kong ang dami ko ng kinakatakutan. Pero ayoko ng isulat lahat dito kasi baka magimbal kayo. Pero may isa akong kinakatakutan na gusto kong ikwento, yun ay na sira ang pinto dito sa aking tinutuluyan. Dahil naiisip kong ang daming pwedeng mangyari, as in marami. Tulad nalang ng hindi mairespeto ang iyong pribadong pamumuhay, paghimasukan ng kung sino2, at ang nakakatakot talaga ay ang pagsamantalahan ka. Lahat naman dito sa tinutuluyan ko ay safe, pero natatakot talaga ako. Takot narin akong isipin un. Takot ako na pwede ngang mangyari at ayoko ring mangyari un sa iba. Kasi kung nangyari man sakin, naisip kong pwede rin sa iba. Kaya minsan iba yung kilos ko dito sa bahay. Iba sa kanya.

O sige umaga na. Tulog nalang ulit ako. Kbyehuhuhu. God wag mo kaming iwan a. Labyu!:*

jeudi, mai 13, 2010

Namumulitika sa Pinas

Hell-o, hell-o..

Pulitika:
Nung ika-31 ng Oktubre 2009, ako'y nagparehistro at umabot ito ng 11hours. Ay grabe pwede nang ilathala sa guiness book of records. Ganon kabulok ang sistema ng Pinas! Isama mo pa ang madumi at masikip na lugar, sinabayan pa ng ulan at putik(at singaw ng lupa), idagdag narin natin ang mga taong walang disiplina sa pila, napawisan sa init ng araw sabay natuyuan ng ulan. Sa totoo lang isa rin ako sa kanila, naghirap sa pagpaparehistro dahil last day na un at sobrang dami ng taong gustong makaboto. (sus! Pahirap ang comelec, sabihin niyo lang kung ayaw niyo kaming pagrehistrohin.. Kung di lang matiyaga ang mga Pinoy, paniguradong wala nang magpaparehistro. Ang mali rin kasi sa mga Pilipino(sa akin din) ay kung kailan deadline na saka lang kikilos. Patay tayo diyan.. Kaya walang asenso e.

Tapos nitong ika-10 ng Mayo,2010 naganap ang isang napakontribersyal na eleksyon. (bakit kontribersyal? Kasi puro kaanumalyan? Kasi PCOS machine na an gamit? Kasi 1st time kong boboto? Kasi puro artista ang nagwagi? O dahil kay Willie Revilliame? Baka naman kay Kris? ). Sa unang pagkakataon ay naranasan kong bumoto. Si Gordon (ang aking presidente) ang manok kong nailuto nalang sa bahay dahil hindi siya nanalo. Si Binay (ang aking bise presidente) ay parang isang kanditato ng calendar girl ng mtb na nagwagi sa malakas na palakpakan ng audience.

Tambalang NOYBI ang nagwagi. Pero hanggang ngaun ay wala pang pormal napagluluklok. Meron na ba? Ang alam ko kasi wala pa e. Iyon ang alam ko. Haha

*Dito nalang muna to. Pero malay mo madundan pa tong post ko. Wala naman tayo sa China e. Kaya abang abang lang, kaya pa! Nasa pinas naman e,kailangan natin ng popolasyon, kaya gora yan!

dimanche, mai 09, 2010

walang antok

So eto nanaman ako, nagbabalik. Maglalahad ng pawang katotohanan lamang (*yehey!dan da nanan dananan*).

Grabe ang tagal ko na palang hindi nagsusulat dito. Sinabi ko pa namang magiging aktibo(parang mikrobyo) na ako sa pagsusulat dito. Kaso mali e.. Nagkaroon ng konting sabutahe! Haha!

Mag-aalas kwatro na at eto parin ako, papindot pindot sa keypad ko. Keypad? Tama ba tong sinabi ko? Tae! Tama nga! Makakapagsulat na ako gamit ang aking selepono. Ayos! :)

Teka teka,nagtataka ba kayo kung bakit gising pa ako? Nako wag na kayong magtaka kasi normal na talaga sakin ang gising ng ganitong oras. Madalas ay kausap ko si,itago nalang natin sa pangalang Mon2.. Kasi baliktad ang ang oras namin, numerong nagpapatakbo sa araw namin,69. Ang numerong dulo dulo kung magkaabutan. Mahirap na masaya, pero sa tingin ko.. Eto ay isa sa mga storyang dapat abangan.. Storyang daig pa ang pelikulang One More Chance sa sobrang "twisted". Sa totoo lang, eto na ba ang storyang tatalo sa One More Chance? Putek abangan..

*di pa rin ako inaantok. Mag-aalaskwatro na. Lecheng Sims 3 kasi yan e. Nakakaadik. Kung di lang sasabog si lapskie baka hanggang ngaun naglalaro pa ako. Meron din kaming "jogging" mamaya.. Matuloy kaya? O cge na. Hanggang sa susunod. Paalam!