mardi, août 24, 2010

Fbdbdb

I miss everything! Hey august! See you soon!:)

samedi, août 21, 2010

I miss everything! Hey august! See you soon!:)

mardi, août 03, 2010

Hindi naman ako square a

Iba't ibang usapan at tawarang tricycle drayber at ako. Marami na akong naenkwentrong mga ganitong sitwasyon pero ilalagay ko nalang muna yung mga natatandaan ko. Natutuwa kasi ako e. Lokasyon: Antipolo. Eto na:

Manong Drayber: Miss traysikel..
Ako: (ipasok ang lugar na inuuwian ko sa Antipolo) po..
Manong Drayber: magkano babayad mo?
Ako: Manong bente nalang po..
Manong Drayber: twenty five?
Ako: bente nalang manong .:D (sabay ngiting hindi nagpapatinag)
Manong Drayber: sige na nga. Kung hindi ka lang cute twenty five sisingilin ko sayo e..
*Ayun naman si manong gumaganon!:)
...karugtong..
Habang pababa na..
Ako: salamat po.:)
Manong Drayber: sige bukas ulit.
Ako: sige po!
Manong Drayber: ganong oras ulit a!
*natawa nalang ako! HAHAHAHA!:)))

TAPOS.

Traysikel Drayber: traysikel?
Ako: Manong (ilagay ang lugar ng aking tinutuluyan) po.. Bente lang po a.:D
*eto nanaman ang smile.:D*
Traysikel Drayber: sige na nga.. Dapat 30 e. Pero dahil maganda ang ngiti mo, 20 nalang.:)
*aysus! Nadaan sa ngiti!:)

TAPOS.

T.D.: miss traysikel? Saan ka ba?
Ako: (lugar na inuuwian ko, ipasok mo dito!:)) dun po.:))
T.D.: para kang si spongebob..
Ako: huh? Bakit naman po? (*tinitignan ung imahe ni spongebob na nakasabit sa traysikel nya.. Nagiisip at nagtataka..)
T.D.: kasi lagi kang nakangiti.
(*ayun naman pala si manong, may ganon! Sumesegwey.HAHA!)
T.D.: payag ka bang kamukha mo si spongebob?
Ako: uhm.. Hindi po..
T.D.: bakit?
Ako: Kasi hindi naman po ako square e. BWAHAHAHAHHA!:)))
(*tawang spongheboba*)

TAPOS.

T.D.: miss traysikel, saan ka ba?
Ako: dun po sa (lugar na tinitirikan ng bahay na tinutuluyan ko)...
T.D.: ahhh sige magkano ibabayad mo? Dalawang tao?
Ako: (*dahil ayoko na magantay ng matagal*) sige po.:)
T.D.: Lagi kang nakangiti a.. Tanong ko lang, nakita mo na ba ang tunay na kaligayahan mo?
Ako: uhm sa ngaun po di ko pa masasabi na naabot ko na o nakita ko na ang tunay na kaligayahan ko....( blah blah blah.. At marami pang blah.. Daldal e..) ikaw po ba ano ba yung masasabi mong tunay na kaligayahan mo?
T.D.: ahh ako?
Ako: ay hindi ako! Hahah.. Oo kayo nga po.. Ano ba ang tunay na kaligayahan niyo?
T.D.: masasabi kong ang tunay na kaligayahan ko ay ang pagaaral ng bibliya.. Alam mo ba ung "(*saksi ni oman(?!?di ko sure kung sino ung saksi basta parang ganyan)*).. Dumating sa point na parang nahanap ko yung tunay na kaligayahan ko sa pagaaral ng tunay na kahulugan ng salita ng Diyos.. Sa totoo lang ang tunay na ideya pala nito ay ang kaharian..(*blah blah blah.. Nakalimutan ko na e.. Basta.. Ayun*)..
Ako: waw maganda yan! Kasi kayo kahit papaano ay may masasabi na kayong tunay na kaligayahan ninyo.. At alam mong ikakasaya mo dahil naintindihan niyo ang tunay na kaligayahan sa salita ng Diyos.. Maganda rin pong nakapagaral kayo ng bibliya para po magiging isang propeta kayo. Maari niyong maishare ung mga kaalaman niyo tungkol sa pinagaralan niyo, sa gayon madadagdagan na ang kaligayahan niyo dahil alam mo sa sarili mo na nailahad at naibahagi mo ang kaalaman at kaligayahan mo..
TD.: taaaamaaaaa!
(*habang malapit na sa patutunguhan*)
Ako: manong diyan nalang po sa tabi, sa susunod ulit a. :)
T.D.: salamat din a!
Ako: sus! Oo naman walang problema!:)

TAPOS.

TD: miss traysikel?
Ako: (*pilosopong sagot*) magkano po ba traysikel niyo? HAHAHAH (*naloko na*)

TAPOS.

Sige hanggang dito nalang muna. Marami pa dapat pero sa susunod na. Napatunayan ko lang na, pagsasakay ka ng traysikel at pagtatawad ka, try mong ngumiti.. siguradong gagaan loob nila sayo. Gagaan din ang bayad mo!:) Wag maging masungit. Ayos rin ung minsang papakinggan mo sila. Kasi naisip ko lang na mahirap ding magtraysikel drayber. Madalas kausap nalang siguro nila ay yung motor o tryk nila. Kahit makinig ka lang, sakto na un!:) malaking tulong narin sa pagkaulila nila sa kanilang pamilya habang nasa trabaho sila. Ayun.

O sige na. Hanggang dito nalang muna. May gagawin pa ako e. Yey!

P.S. Sayang di ko na maalala ung iba at kulang na sa oras e kaya eto nalang muna. Ge bbye!:)

lundi, août 02, 2010

August 2

Namiss kong magsulat dito.. Ngaun nalang ulit. Lagi kong pinaplanong magsulat pero lagi nalang nauudlot.. Tapos sabi ko papalitan ko na skin ko, hanggang ngaun di ko parin napapalitan.. Kumbaga under construction pa.. Ehwan ko, di kasi ako magaling sa time management. Madali akong maiba ng plano. Sasabihin ko gagawin ko to mamaya. Tapos pag dating ng oras ng mamayang un wala parin akong nagagawa.. Ehwan ko ba, kailangan kong umayos para maging maayos.;)

Yunh sinabi ko ngang palagi akong maguupdate dito ay di ko magawa gawa e.. Pero sa bagay, "busy busyhan" ako sa iskul. Kaya may excuse ako. Actually matami akong gustong kwento e. Alam mo naman ako makwento, lahat nalang. Nyahahah!:)) o well, basta papatunayan ko nalang na worth it ang di ko masyadong paguupdate dito. Magaaral akong mabuti. Magppraktis ng maayos na time management. Para maging successful! O yesss!:)

Hahaha! August 2 na pala.. Dapat kahapon maguupdate ako pero nauwi sa paglalaro n pusoy dos. Adik lang. Natalo ako pero nabawi ko naman. Ok lang. Ayun.:)

July (cheklist) 2010
-birthday madness
-2seasons of True Blood
-experience sa surveying equipments (levels)
-dramachine mode.
-I super duper sobrang miss Agie. Lab2 Mon2!:* >:D<
-... :D

P.S sa susunod ulit.;)
*Vampire Diaries Marathon muna ako.:)

Location:SManor