samedi, juillet 17, 2010

Mahal na mahal kita lagi, IKAW lang! :*

Bakit ganon, "Mahal na mahal kita kahit ang sakit sakit na!!! :((" --isa sa mga linyang kinaiyakan ko sa One More Chance. Nung Nagkabagyo kasi si Basyang, naisipan kong panooring ulit ung One More Chance dahil wala akong magawa at may baterya pa si Tatskie.
"Putangina Bash, ganyan ka ba talga katigas?", grabe.. oo matigas ulo ko pero mas matigas ka! At natatakot akong baka sa isang iglap ay makalimutan mo nalang ako.. Yun tipong kaya mo kasi akong iwanan e(naiwan mo na nga akong literal e as in physically e, pano pa kaya emotionally..:| tuwing gabi ikaw lang naman hinahanap ko sa mga offline messages at notifications ko e.. :* mahal na mahal kita Mon2!).. Pero sa bagay may kasalanan din naman ako e. Nung sinabi mo ngang "I deserve someone better.." di ko nga aalam sagot ko e..kasi yun din ung isang nakapagpaguilty sakin e. Oo totoo nga un. Pero mahal na mahal kita.. Alam kong mas may magmamahal at magpapakita sayong mahal na mahal ka nila pero, e mahal na mahal kita e. Hindi kita kayang pakawalan.. Ang selfish ko nga e kasi sarili ko lang iniisip ko.. Ginagawa ko lahat ng paraan para di ka na mawala sakin (ultimo kahit ano, para lang di mo ako iwan. Mga bagay na di ako sanay gawin.) kasi last chance ko na to.. Ayokong mawala ka, dahil wala nakong mamahalin tulad ng pagmamahal ko sayo.. totoo to. Hindi ko nga nakitang magkakaroon ako ng iba sa hinaharap e, dahil ikaw ang present at future ko.. "4years and 4months,5,6,7,8,9,10,11,12,13,14,Forever!!".. Sana.. Hoping parin ako at aasa't aasa parin ako. Believe me, di ako madaling sumuko. I'll give my all!
Hindi ako naniniwalang kailangan nating pakawalan ang taong mahal natin kasi, habang may buhay may pag-asa. Habang may problema, may solusyon. Hindi natin masasabing walang solusyon ang problema kasi lahat tayo may choice, pero nasasaktan din naman ako e.. Pwede rin naman akong sumuko.. Siyempre pag naabot ko na ung moment na un, hahayaan na kita kung saan ka masaya.. Kaysa naman ako lang nagiisip na tayo at mahal na mahal mo rin ako.. Tanga na kung tanga, pero kakayanin ko lahat para lang sayo! Pero kung gusto mo na talga, kung may mga bagay pa na mas makakapagpasaya sayo.. Iisipin ko nalang na.. Choice mo un e at kung sa tingin mo naman na mas sasaya ka dun sa pinili mong buhay.. GO! Magiging masaya nalang ako para sayo. Ayokong masyadong maging masama at sakim na ipagdadamot ko ung kaligayahan mo.. Lahat naman ng kaya kong gawin para mapasaya ka ay ginagawa ko.. May mga bagay na ginigive up ko para lang sayo. Hindi ko naman sinusumbat to kasi alam ko rin namang may mga bagay kang ginagawa para sakin. At nagpapasalamat ako kasi nararamdaman kong mahal mo ako. Ikaw ang tagapagtanggol ko sa lahat, kahit na malayo ka alam kong mayroon parin akong "knight in shinning armor" xing!!(sound effects to.) Salamat, mahal na mahal kita.. Hindi ako nagpapaalam sa pahayag na to.. gusto ko lang sabihin na hindi ako susuko, habang may pagasa pa ako.. GO GO GO lang ako.. Mahal na mahal kita Agie Tupas Solis, Araw-araw. Magpakailanman :* Dahil wala naman ako sa tabi mo, Yngat ka palagi. Kausapin mo ako pag nalulumbay ka, kasi hindi lang ikaw ang nalulumbay.. Ako din. Masaya akong makausap at makita lang kita kahit sa internet. Hindi nagbabago pagmamahal ko sayo kahit hindi tayo magkasama.. Mas lalo pa nga kitang minamahal e.. At nasasabik nakong makasama ka ulit. Mahal na mahal kita, kahit paulit ulit ko pa tong sabihin.. ang gusto ko lang iparating talaga ay Mahal na mahal kita kahit anong mangyari..

P.S Di ko alam kung ipopost ko tong nararamdaman ko e. Naiisip ko ngang isend nalang kay Agie to e. Wala lang.. Mabasa man niya to o hindi, mahal na mahal ko parin siya.

P.S> balat chico, laman sibuyas. Waaa! wag niyo akong kausapin tungkol dito, maiiyak lang ako. Pramis. At malapit nakong magkaron kaya mejo emotional ako. :)

P.S> Sorry kung madrama, pagbigyan.. minsan lang naman akong magpost e :)

lundi, juillet 05, 2010

Hey July, It's Monday

Grabe July na ngaun. Ilang araw nalang alam na! Hahah! Maraming mangyayari ngaung sabado, July 10'10, July ten oto-ten! Hahah. 5 araw nalang kasal na ni Ate Mean, opening ng UAAP season 73(yata), contest ng Shell-eco., at marami pang iba..

Ako nga'y di ko alam kung saan at anong gagawin ko sa araw na yun e. Maraming nagaaya at nagbabalak kasi sabado night un e. Parttteeeyyyy. Maraming nagtatanong sakin kung anong eksena, sabi ko, wala.. Malay ko.. Wala yata.. Kung kilala niyo ako, alam mo na nasa isip ko.. Oooopps! Siguro kung si Sookie ka mababasa mo nasa isip ko, but no.. Maybe.. Hahahah! Marami talaga akong gustong gawin sa araw na to. Pero siyempre number 1 na ang pagkain dito ng masasarap, un tipong mapapangiti-iyak ako sa sarap.. Pupuntahan ko si Mon2 ng maaga, un tiping yung ako gigising sa kanya! Para matutuwa siyang paggising niya ako na katabi niya. Kahit mag ala-ninja ako sa kakaakyat ng bintana sa tuwing nakasarado un screen, kasi gusto ko siya ung unang makasama sa araw un.(too bad,di ko magagawa un ngaun kasi wala akong tiket papunta sa bansa ng mga nagsasabong na manok, ang Texas. Noon siguro kaya ko gapangin papunta sa SManor,e ngaun teleport machine ang hanap ko.. May kilala ka bang nagbebenta?) Ayun na nga. Gusto ko kasi siyang kasama dahil damang dama ko kung bakit ako nabuhay sa mundo ng araw na un.. Ay teka, iba na nga naiiyak nako e. Naaalala kong impossible yan ngaun. Pero malay mo.. Umaasa parin ako.:) Gusto kong gawin lahat ng experience na hanap ko, kahit alam kong di magkakasya un sa isang araw at wala akong pera sa lahat ng luhong gusto kong makuha. Gusto ko ring.. Tumawa.. At akin nalang ung iba. Abusado ka na a, alam mo na mga gusto ko.. Di mo na ako massuprise. Tseneng!:))

Pero isa lang lagi kong wish simula nung 2009, yun ay ang makasama si Agie kasi sobrang miss ko na siya.. Oy teka, baka nakakalimutan mong mga gusto ko lang gawin un nailista ko sa taas. Wala pa ung mga gusto kong matanggap. Haha! Tsaka na, pagtapos nalang ng araw na un. Para less expectations, hurt less. Ano daw? Haha! Pero for sure di ko mailalagay un lahat kasi puro kaluhuan lang un e. Hahaha. Kahit alam kong nasakin na halos lahat, sabi nga e.. Binibigay na sakin lahat, nasakin nalang un kung paano aalagaan. God help me!:*

P.S. God thank you sa lahat ng blessings. You're so awesome!:) naniniwala ako sa kasabihang "God Provides". Thank you po sa lahat!:)
P.P.S. Puro blessings natatanggap ko ngaung July! Sarap! Puro libre,ligaya at lab(para L lang) may isa pang kulang na L dito e. At hayaan nalang nating magkulang, kayo nalang magisip. Hahah.. Salamat po. Mahal niyo talaga ako.
P.P.P.S. Secret!:)