vendredi, septembre 10, 2010

Beer-month starts now

Andito ako ngaun sa may Jollibee Mendiola, nagaantay sa kaibigan ko dahil kami ay pupunta sa sentral. Siyempre tatambay at magkkwentuhan ng mga kung anu-ano.. Dahil walang pasok bukas, gagawa kami ng eksena.. O ayun na nga..

September, ang saya mo! Please wag kang magbago! Ang sasaya ng mga araw na dumating sakin sa buwan mo. Salamat at pinakinggan mo yung panalangin ko. Yeah! Sa buwan na to hindi mo ako binigo, except nalang sa Mech (insert nakakabaliw, nakakawindang at nakakaawang emosyon dito.. Di ko kaya), kala ko kasi nung una madali lang kaya pumetiks ako e. But no.. Mahirap nang umasa.. Lalo na't si Banana girl ang prof. Ok lang, marami naman akong nalaman at natutunan sa kanya. Pagbubutihin ko nalang sa ibang mga subjects ko. Sana maipasa ko lahat! Weeee! More GV!

Ngaung september napatunayan ko pa lalo na God Provides. Di niya ako nakakalimutan. Laking pasasalamat ko sa mga biyayang binibigay niya kasi, ang sarap! Sa pagmamahal ng mga taong nasa paligid ko (lalo na kay Mon2), sa mga kaibigang naasahan at natatakbuhan ko sa araw na kailangan namin ang isa't isa, sa mga biyayang pagkain at mga bagay.. Maraming salamat! Ngaung taon, isa sa pinakamasayang buwan ang Setyembre.. At magdilang anghel sana.. GV GV to the max please.:) at sana sa susunod pang mga buwan at taon.:)

Super excited nako! (insert nagwawalang damdamin sa sobrang kaligayahan dito) hahaha! Dahil umaasa ako at nagwiwish na matuloy ang bakasyon ni Agie dito sa Pinas. God please!:) yey! Thank you po.:) miss na miss ko na siya at gusto ko siyang makasama ulit sa taong ito, kahit isang buwan lang. Basta makasama ko lang siya..:) diko mapigilang ngumiti pag naiisip ko un! Pwede bang tumalon sa building at isigaw (habang pabagsak ako sa lupa) na miss na miss ko na siya.. Ayiiiiieee sobrang cheesy! Hahahah! Basta... Ayieeee kilig parin.:)

Miss ko narin sila Marianne.:)
Miss ko na yung nakasanayan kong Ate.. Ate, miss na miss na kita! Kung alam mo lang. Di ako sanay nang ganito.. Sana makasama at mahug na ulit kita.. Wala lang.. Aantayin kong maging ready ka.. Aantayin kita kasi lab kita!:*
Miss ko na lahat ng taong miss ko! Wahahah!:))

Iniisip ko rin kung hello long straight hair (w/o plantsa na) o goodbye long hair slash hello short hair.. Uhm.. Watchathink? Just wait and see. Magpopost nalang ako ng buhok. Buhok lang a! Asssuuuhh! Hahaha!:))

Ang dami ko sanang gustong ikwento kaso ang ingay dito sa Jollibee. Halo halong kwentuhan sinabayan pa ng tugtog ni Lady Gaga at Beyonce na Telephone... Eeeeeeeee eee eee tetelephone.. Haha! Tae asa naman akong mapopost ko tong blog ko ngaun, wala namang wifi! Asuuuuuhhh ulit. HAHAHA! mamaya ko na ipopost to paguwi sa bahay.. O kaya pagnakaspot ako ng wifi! Haiiii... Sad sad nga pala kasi di ko yata makakausap si Agie e. Anong oras na kasi, e "waiting for tonight" yata ang lagi kong kanta kasi tuwing gabi hanggan madaling araw lang kami nakakapagusap, maswerte na ang magkita sa Webby. Hahhaha!:)) ayun naman pala e. Ayiieee ayieeee kinikilig parin ako pag naiisip ko siya! Wooooot!

O siya sige hanggang dito nalang muna. Sundan ang susunod na kabanata ng aking mga naiisip at nararanasan. Babalik na ulit ako sa pagsusulat dito, paalala niyo sakin ang paguupdate a. Labet!:)

P.S. Perstaym kong magsulat ng blog sa isang Fastfood chain. Tammmuuuhhh!:))
P.S. Ang saya ko lang! Sana kayo rin, sana magOktubre na, wake me up when september ends kasi..... Ayieeeeeee! Acheche sige na paalam (for now!)