mardi, janvier 06, 2009

desperate souls search for desperate hearts..

kagabi,chineck ko ung ung promo card ng starbucks,ang shit! di ko akalain na bukas,ngaun na ung deadline ng stickers.. tae,e may apat pa akong kulang.so ang nagpanic ako. dpt kahapon magsstarbucks ako kaso tinamad na ako kasi nung inaya ko si maan sabi niya tapos na raw siyang magstarbucks.haiiii..sayang ang sticker.haha!so aun,kninang umaga,naging desperada na ko.buti nalang may natira pang pera mula sa nagastos ko nung xmas break,pwede pa. haha!so aun,kninang umagang umaga,tinext ko na ung mga kabarkada ko kung sinong pwedeng magstarbucks,kung anong oras ang uwian nila.so aun,ang aga aga un agad nasa isip ko.so pinaka una kong tinext ay si maan. syempre,siya lang naman ang starbucks drama queen.[madalas mo kasi syang makikita sa starbucks at malalaman mong may hinaing sa buhay] so aun.inunahan ko na siya na samahan ako sa starbucks kasi 4pm ang uwian ko at wala akong pasok sa mcdo.waw.aun.so tamang tama,mga 5 uwian niya.sakto.so nagtext pa ako sa mga kabarkada ko.nagreply si tin kaso di siya pwede kasi hanggang 9pm ang uwian[puta,pasok ba un?] tas nagreply si kaye,shit![may isang nakakabigla kay kaye,dati kasi naka sun siya at nagulat nalang ako sa nalaman ko kasi alam nio bang halos lahat kami sa barkada ay naka globe,at putek magulat gulat nalang ako na naka smart ang loka.hahah!]eion.sabi niya di siya makakasama kasi midterm niya na this week at kaylangan niyang parusahan ang sarili niya dahil hindi raw siya nagaral ng xmas break so ngaun siya babawi. so flop!kaming dalawa nalang tlga ni maan.but no!may humabol pala na isa pang text,[tae buti nalang madami akong reg load.at naka sun naman tong susunod na nagreply] si maja!waw!nagulat ako kasi pwede siya.kung iisipin mo 12nn ang uwian niya pero sasama siya sa amin.waw!![i super lab maja!]so aun.

pagdating sa sb naghanap ako ng dalawang babaeng nakauniform sa labas ng sm marikina.pero wala akong nakita.so pumasok ako.[kadalasan kasi sa labas sila tumatambay kasi mahilig sa usok si maan e.]aun.so pumasok ako at nakita ko na si maan.but oh no!!!i saw someone.nakakita ako ng isang malaking ilong na nakaupo sa loob ng SB.hahah![shit ang sama ko talaga.sana di niya to mabasa.sa bagay.wala akong pakialam.bagay lang sa kanya tong mga sinasabi ko.totoo naman kasi e.atsaka,filingero siya.nahayag ko na ang kwento tungkol sa lalaking to na napatigas ng mukha]hahah.balak ko sanang gamitin siya,para sa isang sticker.sayang e.pero hindi ang masama pa dun ay binigay ni maan ang sticker niya sa ilong ranger na un.so ako.nangamba ako.sa sobrang pagkadesperada ko.balak kong bumili ng tatlong kape sa isang araw.shit!too much calories. putek,buti nalang kasama ko si maja.ang dami nanaman naming napagusapan.hahahha!

aun so kaming dalawa ni maja ang nagbonding kasi di tlaga namin kakayaning kausapin ung matigas na ilong na un.hahahha!plano naming bumili ng apat.so nag tall lang kami.tas pagkakataon nga naman.nakita ko sila alex at kat sa sm marikina.waw.pagkakataon ring bibigyan ako ni kat ng imbitasyon para sa nalalapit niyang kaarawan.waw.ang galing lang.parang kanina lang napagusapan namin ni maja na inimbita nga ako ni kat.waw.so aun.

bumili kami ni maja ng kape.dalawang sticker nalang at may planner na ako.sa pagkaguilty ni maan nilibre nia kami ng tinapay na may butas sa gitna.[in short donut] hahah!so bumili din si alex,tamang tama sa kanya na ang isa.so isa nalang syempre wala na akong ibang pagpipilian kung di ang bumili pa ng isa kasi last day na ang promo na un.and waw.finally MISSION ACCOMPLISHED.

*sa totoo lang,di ko nakukompleto un kasi lagi akong may pasok sa mcdonalds.wala akong time magstarbucks at tumambay doon.eion.sobrang saya.kasi ilang beses ko nang pinangarap na makabuo ng starbucks planner,ngaun lang talaga nakuha.waw.congrats sa akin at sa mga taong nakamit ang pangarap nilang planner[kahit hindi masyadong maganda ung ngaun.] ok lang.sabi ko nga.nung apat nalang ung sticker ko...kapag di ko to binuo manghihinayang ako ng malala!ang tanging pangungusap na masasambit ko ay..:"sayang naman...sobrang sayang naman."nga pala,thankyou sa dalawang sticker na galing sa mga kaibigan ko.malaking tulong.sa uulitin.

*nga pala,ang daming debut na magaganap.kaylangang maghanap ng damit.:Daja!may quiz pako bukas.babooosh!:P