mercredi, janvier 26, 2011

Kasaysayan ko sa UST

#UST 400 ngaun. Jan 23-30 ay ang tinatawag na Quadri Week. Dito ay ipinagdidiwang ang ika-400 na taon ng UST simula 1600. Napakaluma at nakalahad sa ating historya. Isang paaralan na hindi makakalimutan ng sinomang nagaaral dahil ito ay naging simbolo ng ating kasaysayan. Madalas ay itinuturo to sa mga eskwelahan dahil sa katagalan na nang pagpapatakbo sa eskwelahan ito at marami sa ating bayani ay nagaral dito. Kaya masasabi kong ito'y makasaysayan.

Nung nagkaroon kami ng career talk sa aming eskwelahan, naisip ko na gusto kong magUST dahil ang dali lang makapasa. HAHA! eeeee kasi dalawa lang naman pinagexaman ko, UP at UST. shit asa naman ako sa UP e di naman ako nagaral nung nagUPCAT ako. HAHA! parang sumabak ako sa gyera ng walang sandata, sadyang ang buong katauhan ko lang. Kaya ngaun ako ay nagaaral dito sa UST at 4 na tao nang nagaaral dito. shit! dapat graduate nako e, kung di lang 5years yung course ko.. edi sana mararanasan ko ang quadri graduation. Pero ayos lang, ang gusto ko lang ay makagraduate at magkaroon ng titolo! wooooo! Antayin niyo lang.:)

Ngaun nga pala ay pangatlong araw ng week, may parada (ngunit di ko nasaksihan kasi late ako pumasok. haha) may fair (ngunit wala naman akong pambili) at may klase (pero mukhang wala, mga sisipaging prof lang. sana wala na, katamad ee). ayun!

Edi ngaun gets mo na, na wala akong pasok kasi tinamad yung prof ko. HAHAH! aantayin ko ung susunod kong subj, porsigido kasig maturo yun e. pero ung mga susunod na prof ay di na magtuturo. one hour lang ang klase ko. HAHA! ayos!

O sige na, chacharge ko muna tong si Tatskie. 29% nalang e. Buti nalang may net dito sa skul. Saya!:)

*unang post ko sa taong to. huhu sayang di ako nakakpagpost pero ang dami nang nangyari.. ayun, hanggang sa uulitin!:)
*bday ni Agie kahapon! at ni dian.
*bday ni Carla sa 30. wooo!:)
o sige na, gora na me! lemeeeeegggg dito sa room.