vendredi, juin 25, 2010

Saan hahantong ang pagibig?

Kasal.. Teka, bakit nga ba kasal ang ikekwento ko? Haha. Wala lang. Kanina kasi napanood ko yung iba't ibang klaseng Wedding AVP. May iba't iba akong naramdaman... naiyak, natawa, nabaliw (umiiyak habang natatawa), nagkaroon ng pagasa, nakita ko sarili ko sa hinaharap kasama ang taong pinakamamahal ko at iba't iba pang emosyon.

Ihinalintulad ko ang sarili ko sa mga bidyong ito, napaisip ako kung ano, paano, saan, ilan, at kailan kami ikakasal ni Agie. Naimagine ko yun lahat kanina. Sobrang iyak tawa ako (nawengweng, nabaliw). Sa totoo lang napaguusapan namin ni Agie kung saan kami ikakasal, kailan, sinu-sinong iimbitahin, magarbo ba o simple lang, at kung anu-ano pang detalyeng tungkol sa aming kasal. Kaso di pa namin alam, actually sabi niya gusto niya ung magarbong kasal kasi proud daw siyang ako yung magiging asawa niya. Wala siyang pakialam sa gastos at gusto niya lang ipagsigawan sa buong mundo na mahal na mahal niya ako at handa siyang ialay lahat, makasama lang ako. Ang sagot ko naman ay simple lang. Yung tipong mga malalapit lang satin yung kasama natin. Pero sa totoo lang gusto ko rin ng magarbong kasal dahil minsan lang mangyayari yun. At proud din ako na siya mapapangasawa ko. Ang taong mahal na mahal ko at alam kong di nako makakahanap ng ibang taong mamahalin ko katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Gusto ko rin ng magandang damit pangkasal, masasarap na pagkain, masarap at magandang honeymoon, at lahat lahat ng idea tungkol sa kasal. Ang sarap isipin, ang sarap mangarap.. Pero mahal itong mga pinapangarap ko. Kung may pagkakataon mang may pera kami para dito, magdadalawang isip ako kasi kung ikakasal man kami ng bongga ngaun, paano nalang yung hinaharap namin? Paano bubuhayin ang mga magiging anak namin? Makakaya ba namin? Siyempre babalik kami sa scratch, imbis na may plano na.

Pero sa totoo lang ano bang importante sa isang kasal? Para sa akin, kahit nga hindi na ikasal e. Basta makasama ko lang yung taong mahal ko, sapat, hindi hindi lang sapat.. Sobra sobra na kaligayahan ko non. Hindi naman ganon ka-importante yung kasal e. Ang importante ay yung mahal niyo ang isa't isa at tanggap niyo kung sino siya. Kasi simula palang ng magkagaanan kayo ng loob sa isa't isa ay parang nakatali na kayo. At alam ni God yan! (Diba God, wag mong ideny! :) Love You po! :*)

Isa lang ang ang gusto kong pakasalan, yung monster ko, si Agie. Kahit ano pang kasal yan, basta makapiling ko lang siya.. salamat God! :)

P.S. Malayo ka man sakin ngaun, habang buhay ka namang nasa puso ko. Ikaw lang ang nagparamdam sakin ng lahat ng emosyon lalo na ng pagmamahal na hinahanap ko. Pinaramdam mo sakin un, pagmamahal ng pamilya, kasama sa buhay, kapatid, kaibigan, at lahat na. Maraming salamat kasi kahit malayo ka e andyan ka lagi para makinig sakin. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya pag alam kong nasa puso lang kita. Sana walang makapaghiwalay satin. Kahit gaano karami nang problema ang naranasan natin. Salamat sa pagintindi. Mahal na mahal kita. Uwi ka na dito sa Pinas para masaya na! :)

P.P.S. Happy Monster's Day! Lab2 kich2 hug2! :* >:D<>
P.P.P.S. sikip ng dibdib ko..

mercredi, juin 16, 2010

Unang Pakulo

Ngayon nalang ulit. Ok. Kahapon ay first day ng klase. Pero wala pang guro.. Swerte kasi ngaun palang ako mageenroll. Isa pang napakahusay doon ay walang dagdag bayad sa tuition na babayaran ko! Wuhoooooh! Buti nalang. Kung meron man sasapakin ko ung ayaw magEncode sakin. HAHAH. Joke lang.

Kasi nalaman kong napakabait pala nung gurong un. Tatawagin ko nalang siya bilang Sir O. Haha! Aun. Putcha,kung may sakit lang ako sa puso malamang inatake ako. Ang galing kasing umarte. Kala ko pinunit niya na ng tuluyan ung clearance ko at di niya na ako pageenrollin buti nalang.. Shaks! Alam mo ung kinabahan tas tinaranta?! Naramdaman ko un boy! Halos di ako makasagot ng maayos kay Sir O. Natulala ba naman ako e. Tas tinanong niya ako kung anong section, sabi ko E. Kasi ayokong gumising ng umaga para pumasok,hassle bro! At tatamarin lang ako't di magigising. Sabi niya,"ahhh sayang di kita magiging estudyante.." sabi ko,"bakit Sir ano ba section niyo?(ay putek nagaaral pala si Sir. Hahaha Joke)". Sagot niya,"C at D" sabi ko,ay pangumaga.. Sayang Sir sige sa susunod na sem sana maging prof kita.:)". Nakanang anak ng tipaklong o,may pag ganon pang nalalaman. Hahaha! Wala lang. Ayos!

Nga pala,maiba.. Sige na nga sa susunod ko nalang kwento. Matutulog nako. Pasukan na! Asan ka na? Hahahaha! Sige magandang umaga!:)

P.S. Gagalingan ko, makikita mo! DL here i go!:))
P.P.S. Gusto kong magpasalamat kay Agie kasi kung hindi dahil sa kanya, nagbubungkal na lang sana akong ng basura.. Salamat! Mahal na mahal kita Mon2!:*
P.P.P.S. Bbye!:)
*totally inlove with monster*

Location:SManor,3rd Floor,kwarto.;)

dimanche, juin 06, 2010

Like i missyu

Like lang? HAHAHA missyou more :)

spit it out, bitch! wahhha

what is the scariest thing that happened to you???

takot na di na ulit kami magiging Ok ni Agie.

spit it out, bitch! wahhha

vendredi, juin 04, 2010

name one superhero you'd want to save you from a deserted island, and afterwards absorb his/her powers and leave them behind.

superman. kasi he can do everything superlative. AHAHAH

spit it out, bitch! wahhha