dimanche, décembre 19, 2010

Masayang Pagsalubong sa Kapaskuhan

Kagabi naganap ang Paskuhan 2010 sa UST. Kasama ko ang aking pinakamamahal na hayskul barkada! 4years na ang nakalipas at ggraduate na sila!:) Kaya sila rin ang sinamahan ko, tradisyon na namin un at alam ko namang makakasama ko pa ulit ung mga kaklase ko sa mga susunod na taon.:)

Sobrang saya lang ng aming gabi, isama mo na si IDOL na kumanta ng "Give Love On Christmas Day" , mga nagsiparty party, sumayaw nang parang walang buto.. at ang mga bandang tumangay ng aming mga sigaw at hininga! Lalo na yung paborito kong makulit na banda na KAMIKAZEE! sobrang SEXY SEXY ang pag MARTYR NYEBERA nila, mga AMBISOSYO! HAHAHA! ika nga ni Jay, basta may bigote, IBANG KLASEEE~~ siya nang break dancer! HAHAH! at ang pinakahuling banda, ang PUPIL (syempre andun si Ely) sobrang saya lang kasi na feel namin ang ALAPAAP kasi may DISCONNECTION NOTICE na! yesss! sobrang saya lang, lalo na yung fireworks na halos nagbigay samin ng stiffneck sa ganda!:))

Pagkatapos nang Paskuhan, naisipan naming magBanchetto kaso walang transpo. Tapos naisipan nalang magMcdo Marcos Hi-way tapos pagbaba namin ng Cubao.. Sabi nila, tara Ewood nalang! ikaw ba naman magkaroon ng mga kaibigang may magulong isipan. HAHAHHA! pero sobrang saya lang.:) Tapos sa huli magSOMETHING FISHY nalang daw kami, final decision, sa EASTWOOD. and yes, sila Cuenco nagTaxi with Kate, Cate, Janani tapos kami nila Doree, Maja at Steph ay nagdyip! Mas mura lang, nice!:))

Pagkadating namin sa Something Fishy (EAT ALL YOU CAN) Sobrang sinulit lang namin yung bayad namin.:) 3rounds dude! THREE! HAHAHA! sobrang pang eat all you can talaga ako, si doree ay nakakatawa lang e para kasing di niya nasulit. ok lang kami naman yung bumawi e. HAHAH! 2hours ba naman kumain e, at ayun 6:45am nako nakauwi! But wait, marami pa! HAHA! Sobrang antok lang namin kasi 4:45 kami natapos kumain at sa sobrang dami naming nakain! Sibrang ang sarap lang matulog sa sobrang busog! @_@ ayos! Habang naghahanap at nagaantay kami ng Taxi, may tinanong si Cate na taxi, may dumaan na lalaking Amerikano at sinabi kay Cate na: " Hey what's wrong with you?! Can't you see there's a line there?! F*ck You!" syaks! sobrang tawa kami ng tawa nung masaksihan namin to. Tinalo niya pa ang kape sa umaga at mga nanay namin na nagsesermon sa umaga. Sobrang random lang yung pagsabi kay Cate non, kasi actually pangatlo na si Cate sa nagtanong sa Taxi pero siya lang yung ginanon.. bongga lang talaga! HAHAH!

Nga pala pagkauwi ko nagstream muna ako ng #MaraClara! di ko kasi napanood kagabi! Ang ganda lang!:)) O sige na hanggang dito nalang muna kakain muna ako!:) Sa uulitin!:)