mardi, mars 10, 2009

just a stranger on a bus..

naranasan niyo na ba?ako oo.

teka ano nga ba tong naranasan ko?well.. diba nga pagkatapos ng bollywood nila ate flo at kuya caloy e saktong NSTP ko?umaga,dahil sa tarlac pa kami pupunta. uhm.nakaalis ako dun ng mga 5:45am so kaylangan kong bilisan para di ako maiwan ng bus,kungdi bagsak na talaga ako sa NSTP.make-up lang naman kasi un e.haha!:)) kasi naman tuwing may NSTP ako natatapat sa mga okasyon na di ko pwedeng palampasin.nako. katulad nalang ng despedida ni agie,kasi pebrero yon, ika-14 ng pebrero tas kinabukasan ay nstp ko.hindi ko nga naenjoy masyado kasi ayokong uminom dahil malayo pa ung lalakbayin ko.sa huli naman di rin ako sumama sa NSTP.tae,lakas niyo sakin e.lalo na ikaw!hahah!:))tas ayun,buti nalang may make-up!:D

so nakaraang linggo,este nitong linggo lang ang aga aga,sumakay ako ng dyip.siyempre ung patok,bagay na bagay sa nagmamadaling ako.hhaha!edi nung una ok lang,nadudulas dulas pa nga ako.bangag dahil wala pang tulog.aun,di ko na sinubukang matulog kasi baka alam mo na,makita ko nalang ung sarili kong nakahandusay sa kalye nasasagasaan.haha.kaya di ko na inattemp,thankyou nalang.haha!akalain niyo ba namang muntikan na kaming madisgrasya,kala ko bumangking lang.un pala ang lupit.nasira pala ung isang gulong.shiyet!nagising ako ng matindi dun a.kala ko mamamatay nako.wag naman po sana,kasi kung nangyari un babagsak ako sa NSTP.shit!pero buti nalang di pa ako nagbabayad,swerte.kahit na ako ang pinakaunang pasahero nila,shit.malas yta ako e.hahah!:))so dahil nagmamadali ako lumipat ako ng dyip.ayun,nakarating naman ako ng matino sa LRT.sumakay at walang sumunod na kamalasan.pwera na lang sa pinagbuhat kami ng napakaraming libro na ibibigay at aayusin sa daycare na inayos namin,sa totoo lang dito din ako unang nag CWTS.uhm..kami ung nagsemento ng lupa nila.o diba?loyal ako sa kanila.hahaha!:))pero sa totoo lang,sa inyo ko lang sasabihin to.."yngat!"mag biogesic.joke,hindi un.sasabihin ko sa inyo na nagenjoy ako sa tarlac.ang cool!kahit nakakapagod at nakakaitim.shit.wala nga pala akong pagkain ng mga panahong to kasi tinulugan ko lang ung stop over.ang isang nagpakaba sakin e kala ko maiiwan ako ng bus,shit!so bumili ako ng pagkarami raming lumpia[ung tigpipiso] at pinapak ito.ok naman.hahaha!:))

habang pauwi ako,nais ko sanang humabol sa mga PUTONISTA,sa may eco park.dahil nangangapa ako ng direksyon mas minabuti kong sumakay ng bus,dahil mas alam nilang kung san papunta don.aun,ok namang ung takbo ng bus ngunit sa di inaasahang pagkakataon..nagoverheat ung sasakyan.ang sabi ko.shit!malas ba talaga ako?nakapagbayad nako pero ok lang binalik naman kinuhaan nga lang ng limang piso.ok lang.basta alam ko may pangsakay pa ulit ako.isang aberya nanaman ang naganap.hehe!sumakay ako ng jip,sabi ko pa nga kay manong kundoktor.manong pakibaba nalang ako sa tamang babaan.ay mali,sa eco park pala.kaso pagkarating ko dun,nung tinanong ko ung gwardya,sabi niya ay nagsasara ang eco park ng 5pm.so nako.muntikan na akong humandusay dahil sa sobrang lugmok.kasi pagkatingin ko sa orasan ay 6:30 na.waaaa!!!eto pa,sabi ni manong gard ay,bibigay niya raw sa akin ung numero niya para iteks ko siya.e wala nga akong baterya.nangiinis ba siya?malas ulit.ok lang.haha!at least,dininig ni god ung panalangin ko.sa totoo lang di maganda pero.wawww!edi sumakay ulit ako ng bus pauwi,diba pag sumakay ka ng bus pagbabayarin ka ulit?alam niyo bang nilibre ako ni god.siguro nakasakay ko si god.alam nio ba ung kantang "one of us" eto..just a stranger on a bus..hahah!wla lang naisip ko lang.well aun..hanggang dito nalang muna..

grabe,napagod ako sa nstp at mahabang byahe.buti nalang anjan si john lloyd este ang mahiwagang salita niyang YNGAT.kaya kayo.magiingat kayo.alam niyo naman.pero kahit anong mangyari nasa paligid lang natin si GOD. [salamat!:*]