mercredi, janvier 26, 2011

Kasaysayan ko sa UST

#UST 400 ngaun. Jan 23-30 ay ang tinatawag na Quadri Week. Dito ay ipinagdidiwang ang ika-400 na taon ng UST simula 1600. Napakaluma at nakalahad sa ating historya. Isang paaralan na hindi makakalimutan ng sinomang nagaaral dahil ito ay naging simbolo ng ating kasaysayan. Madalas ay itinuturo to sa mga eskwelahan dahil sa katagalan na nang pagpapatakbo sa eskwelahan ito at marami sa ating bayani ay nagaral dito. Kaya masasabi kong ito'y makasaysayan.

Nung nagkaroon kami ng career talk sa aming eskwelahan, naisip ko na gusto kong magUST dahil ang dali lang makapasa. HAHA! eeeee kasi dalawa lang naman pinagexaman ko, UP at UST. shit asa naman ako sa UP e di naman ako nagaral nung nagUPCAT ako. HAHA! parang sumabak ako sa gyera ng walang sandata, sadyang ang buong katauhan ko lang. Kaya ngaun ako ay nagaaral dito sa UST at 4 na tao nang nagaaral dito. shit! dapat graduate nako e, kung di lang 5years yung course ko.. edi sana mararanasan ko ang quadri graduation. Pero ayos lang, ang gusto ko lang ay makagraduate at magkaroon ng titolo! wooooo! Antayin niyo lang.:)

Ngaun nga pala ay pangatlong araw ng week, may parada (ngunit di ko nasaksihan kasi late ako pumasok. haha) may fair (ngunit wala naman akong pambili) at may klase (pero mukhang wala, mga sisipaging prof lang. sana wala na, katamad ee). ayun!

Edi ngaun gets mo na, na wala akong pasok kasi tinamad yung prof ko. HAHAH! aantayin ko ung susunod kong subj, porsigido kasig maturo yun e. pero ung mga susunod na prof ay di na magtuturo. one hour lang ang klase ko. HAHA! ayos!

O sige na, chacharge ko muna tong si Tatskie. 29% nalang e. Buti nalang may net dito sa skul. Saya!:)

*unang post ko sa taong to. huhu sayang di ako nakakpagpost pero ang dami nang nangyari.. ayun, hanggang sa uulitin!:)
*bday ni Agie kahapon! at ni dian.
*bday ni Carla sa 30. wooo!:)
o sige na, gora na me! lemeeeeegggg dito sa room.

dimanche, décembre 19, 2010

Masayang Pagsalubong sa Kapaskuhan

Kagabi naganap ang Paskuhan 2010 sa UST. Kasama ko ang aking pinakamamahal na hayskul barkada! 4years na ang nakalipas at ggraduate na sila!:) Kaya sila rin ang sinamahan ko, tradisyon na namin un at alam ko namang makakasama ko pa ulit ung mga kaklase ko sa mga susunod na taon.:)

Sobrang saya lang ng aming gabi, isama mo na si IDOL na kumanta ng "Give Love On Christmas Day" , mga nagsiparty party, sumayaw nang parang walang buto.. at ang mga bandang tumangay ng aming mga sigaw at hininga! Lalo na yung paborito kong makulit na banda na KAMIKAZEE! sobrang SEXY SEXY ang pag MARTYR NYEBERA nila, mga AMBISOSYO! HAHAHA! ika nga ni Jay, basta may bigote, IBANG KLASEEE~~ siya nang break dancer! HAHAH! at ang pinakahuling banda, ang PUPIL (syempre andun si Ely) sobrang saya lang kasi na feel namin ang ALAPAAP kasi may DISCONNECTION NOTICE na! yesss! sobrang saya lang, lalo na yung fireworks na halos nagbigay samin ng stiffneck sa ganda!:))

Pagkatapos nang Paskuhan, naisipan naming magBanchetto kaso walang transpo. Tapos naisipan nalang magMcdo Marcos Hi-way tapos pagbaba namin ng Cubao.. Sabi nila, tara Ewood nalang! ikaw ba naman magkaroon ng mga kaibigang may magulong isipan. HAHAHHA! pero sobrang saya lang.:) Tapos sa huli magSOMETHING FISHY nalang daw kami, final decision, sa EASTWOOD. and yes, sila Cuenco nagTaxi with Kate, Cate, Janani tapos kami nila Doree, Maja at Steph ay nagdyip! Mas mura lang, nice!:))

Pagkadating namin sa Something Fishy (EAT ALL YOU CAN) Sobrang sinulit lang namin yung bayad namin.:) 3rounds dude! THREE! HAHAHA! sobrang pang eat all you can talaga ako, si doree ay nakakatawa lang e para kasing di niya nasulit. ok lang kami naman yung bumawi e. HAHAH! 2hours ba naman kumain e, at ayun 6:45am nako nakauwi! But wait, marami pa! HAHA! Sobrang antok lang namin kasi 4:45 kami natapos kumain at sa sobrang dami naming nakain! Sibrang ang sarap lang matulog sa sobrang busog! @_@ ayos! Habang naghahanap at nagaantay kami ng Taxi, may tinanong si Cate na taxi, may dumaan na lalaking Amerikano at sinabi kay Cate na: " Hey what's wrong with you?! Can't you see there's a line there?! F*ck You!" syaks! sobrang tawa kami ng tawa nung masaksihan namin to. Tinalo niya pa ang kape sa umaga at mga nanay namin na nagsesermon sa umaga. Sobrang random lang yung pagsabi kay Cate non, kasi actually pangatlo na si Cate sa nagtanong sa Taxi pero siya lang yung ginanon.. bongga lang talaga! HAHAH!

Nga pala pagkauwi ko nagstream muna ako ng #MaraClara! di ko kasi napanood kagabi! Ang ganda lang!:)) O sige na hanggang dito nalang muna kakain muna ako!:) Sa uulitin!:)


mardi, décembre 14, 2010

Galing Davao!:)

Andito ako ngaun sa may terminal ng Davao. Nagaantay magpacheck in habang naaamoy ang simoy ng Durian. mmmm.. tingin mo ba nababanguhan ako? hahhaa inuubos ko lang ang amoy para masanay na ilong ko sa amoy. nyahaha! Pauwi na kaming manila.. Masaya dito, disiplinado ang mga tao.. maayos at malinis sa lugar nila. Pero mas gugustuhin ko parin sa Manila, Antipolo or Texas. Kasi gusto kong makasama si Agie.. Eion. o sige tapos na silang bumili ng mga pahabol na pasalubong at kami'y pipila na para magpacheck-in.. nga pala. Disyembre na.. ittry ko ulit na maging aktibo dito.. o sige.. paalam! kitakits sa Manila!:)

-post From Davao!:) weeee bbye!:)

vendredi, octobre 01, 2010

#octoberwish :">

October 01 2010. Bagong buwan.. Teka, New Moon ba ito? HAHA O well, #octoberwish ko si Agie pero imposible. Sige #octoberwish na maging maayos na grades ko. Wooooot! Malapit na matapos ang sem na ito at ano, HAHAH tawa lang!:) nga pala, may concert si John Mayer! Saya, hahah wala naman ako dun para manood. 2araw ng si Sexy John Mayer ang nasa playlist ko. Wuhoooo! Ang saya lang!:)

Ang random noh,sorry gusto ko lang magpost ngaung buwan. Panimula ng magandang buwan. Haha andito nga pala ako kina Jops nanghihiram ng mga drawing equipments... Ayieeeee naexcite tuloy akong magdrawing drawing ulit kasi may gamit na ako! Weeeew! Bukas gagawin ko na talaga yun mapa, para mabawasan ang mga dapat gawin. 2 weeks nalang at bbye 1st sem na, hello 2n sem. Masarap sana na maluwag ang loob at walang iniisip na mga subjects pag sembreak pero mukhang di ko maeenjoy sembreak ko.. Tas wala pa ang isa sa pinaka#October wish ko, at si Agie un. Di siya makakauwi this month. Sad sad.:( pero ok lang kasi may next year pa naman e, o Yesss! :"> kilig mats!

O sige, una nako. Next time na ulit! Ayieeee lab mats!:)

vendredi, septembre 10, 2010

Beer-month starts now

Andito ako ngaun sa may Jollibee Mendiola, nagaantay sa kaibigan ko dahil kami ay pupunta sa sentral. Siyempre tatambay at magkkwentuhan ng mga kung anu-ano.. Dahil walang pasok bukas, gagawa kami ng eksena.. O ayun na nga..

September, ang saya mo! Please wag kang magbago! Ang sasaya ng mga araw na dumating sakin sa buwan mo. Salamat at pinakinggan mo yung panalangin ko. Yeah! Sa buwan na to hindi mo ako binigo, except nalang sa Mech (insert nakakabaliw, nakakawindang at nakakaawang emosyon dito.. Di ko kaya), kala ko kasi nung una madali lang kaya pumetiks ako e. But no.. Mahirap nang umasa.. Lalo na't si Banana girl ang prof. Ok lang, marami naman akong nalaman at natutunan sa kanya. Pagbubutihin ko nalang sa ibang mga subjects ko. Sana maipasa ko lahat! Weeee! More GV!

Ngaung september napatunayan ko pa lalo na God Provides. Di niya ako nakakalimutan. Laking pasasalamat ko sa mga biyayang binibigay niya kasi, ang sarap! Sa pagmamahal ng mga taong nasa paligid ko (lalo na kay Mon2), sa mga kaibigang naasahan at natatakbuhan ko sa araw na kailangan namin ang isa't isa, sa mga biyayang pagkain at mga bagay.. Maraming salamat! Ngaung taon, isa sa pinakamasayang buwan ang Setyembre.. At magdilang anghel sana.. GV GV to the max please.:) at sana sa susunod pang mga buwan at taon.:)

Super excited nako! (insert nagwawalang damdamin sa sobrang kaligayahan dito) hahaha! Dahil umaasa ako at nagwiwish na matuloy ang bakasyon ni Agie dito sa Pinas. God please!:) yey! Thank you po.:) miss na miss ko na siya at gusto ko siyang makasama ulit sa taong ito, kahit isang buwan lang. Basta makasama ko lang siya..:) diko mapigilang ngumiti pag naiisip ko un! Pwede bang tumalon sa building at isigaw (habang pabagsak ako sa lupa) na miss na miss ko na siya.. Ayiiiiieee sobrang cheesy! Hahahah! Basta... Ayieeee kilig parin.:)

Miss ko narin sila Marianne.:)
Miss ko na yung nakasanayan kong Ate.. Ate, miss na miss na kita! Kung alam mo lang. Di ako sanay nang ganito.. Sana makasama at mahug na ulit kita.. Wala lang.. Aantayin kong maging ready ka.. Aantayin kita kasi lab kita!:*
Miss ko na lahat ng taong miss ko! Wahahah!:))

Iniisip ko rin kung hello long straight hair (w/o plantsa na) o goodbye long hair slash hello short hair.. Uhm.. Watchathink? Just wait and see. Magpopost nalang ako ng buhok. Buhok lang a! Asssuuuhh! Hahaha!:))

Ang dami ko sanang gustong ikwento kaso ang ingay dito sa Jollibee. Halo halong kwentuhan sinabayan pa ng tugtog ni Lady Gaga at Beyonce na Telephone... Eeeeeeeee eee eee tetelephone.. Haha! Tae asa naman akong mapopost ko tong blog ko ngaun, wala namang wifi! Asuuuuuhhh ulit. HAHAHA! mamaya ko na ipopost to paguwi sa bahay.. O kaya pagnakaspot ako ng wifi! Haiiii... Sad sad nga pala kasi di ko yata makakausap si Agie e. Anong oras na kasi, e "waiting for tonight" yata ang lagi kong kanta kasi tuwing gabi hanggan madaling araw lang kami nakakapagusap, maswerte na ang magkita sa Webby. Hahhaha!:)) ayun naman pala e. Ayiieee ayieeee kinikilig parin ako pag naiisip ko siya! Wooooot!

O siya sige hanggang dito nalang muna. Sundan ang susunod na kabanata ng aking mga naiisip at nararanasan. Babalik na ulit ako sa pagsusulat dito, paalala niyo sakin ang paguupdate a. Labet!:)

P.S. Perstaym kong magsulat ng blog sa isang Fastfood chain. Tammmuuuhhh!:))
P.S. Ang saya ko lang! Sana kayo rin, sana magOktubre na, wake me up when september ends kasi..... Ayieeeeeee! Acheche sige na paalam (for now!)

mardi, août 24, 2010

Fbdbdb

I miss everything! Hey august! See you soon!:)

samedi, août 21, 2010

I miss everything! Hey august! See you soon!:)